Ngumiti Ka Iha

By Sofia Del Rosario

Ngumiti ka iha

Katawan mo’y sa kanila

Dahil ika’y dalaga na

Wag kang maniniwala na

May kapangyarihan ka

Walang ganon iha

Damit na malaswa

Itikom ang dila

Sa titig ng mga mata

Nasasaktan ka ba?

Sa sipol na walang bisa

Ikaw ba ay biktima?


Read it backwards.


16 views
  • Instagram
  • Twitter
  • Facebook
  • Spotify

© 2020 The Filipina Feminists